Aug 14, 2026 · 41 min · 15 segments
Paano nakatutulong ang paggamit ng Wikang Filipino sa mga desisyon ng Korte Suprema sa pagpapalapit ng hustisya sa mamamayan habang napapanatili ang kawastuhan ng pangangatwirang legal? Pakinggan ang…
Apolinario D. Bruselas Jr.Guest
Mike NavalloHost
Tiff Atendido BeltranNo entities detected.

[musika] Mas mapapalapit ba ang korte sa mga mamamayan lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan kung ang mga desisyon nito ay nakasulat sa wikang pambansa?

Bilang paggunita sa buwan ng wika, ang podcast ng Korte Suprema sa episode na ito ay isasaad sa wikang Filipino.

Ang mga paliwanag at talakayang ipinahahayag sa podcast na ito ay hindi dapat ituring na opisyal na interpretasyon ng Korte Suprema.

Para sa kalinawan at bilang opisyal na sanggunian, ang teksto ng desisyon ang mananaig.

Nitong 2026, naglabas ang Korte Suprema ng dalawang desisyon na isinulat sa wikang Filipino.

Noong nakaraang linggo, tinalakay natin ang Sambayanan ng Pilipinas laban kay GGG 269811, GR Bilang 269811.

Sa ating episode ngayon, tatalakayin naman natin ang isa pa, ang desisyon sa Velarde laban sa Kagalingalang na Hukuman ng Pag-aapela sa Buwis, GR Bilang 210480.

Ang dalawang desisyon ito ay parehong isinulat ni Kasangguning Maestrado Maria Filomena Singh.

Masasabing ang paglabas ng desisyon sa wikang Filipino ay patunay sa patuloy na adhikaain ng Hudikatura sa pamumuno ni Punong Maestrado Alexander Gesmundo na gawing abot-kamay, madaling maunawaan at tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan ang hustisya.

Ito ay naaayon din sa Strategic Plan for Judicial Innovations 2022 to 2027 ng Hudikatura na siyang nagsusulong sa access to justice o pagkakaroon ng katarungan na abot-kamay sa mga mamamayan.

Sa paggamit ng wikang Filipino, mas nailalapit ang Hudikatura sa mga karaniwang tao dahil naipapaliwanag ng Korte Suprema ang pangangatwira nito sa taumbayan sa paggamit ng wika na nauunawaan ng mas nakararaming mamamayan.

Ako po si Attorney Mike Navaljo at ngayon ay ika-labing-apat ng buwan ng Agosto 2026.

At sa podcast na ito, patuloy po nating pag-uusapan ang pagpapalapit ng hustisya sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagsusulong ng Korte Suprema ng paggamit ng wikang Filipino sa mga desisyon nito, partikular sa kasong Velarde laban sa Hukuman ng Pag-aapela sa Buwis, GR Bilang 210480.

Ang desisyon na ito ay sinulat ni Kasangguning Maestrado Maria Filomena Singh at inilabas ng ikatlong dibisyon ng Korte Suprema noong ika-dalawampu't-siyam ng Enero 2026.
Read the full transcript.
Create an account to read the whole episode, search across every transcript, and follow the shows you care about.